The Boxshaker Advertisement

Wednesday, 24 June 2015

"Ang Number one fan mo"

4:30pm... Kada lingon ko sa orasan ay mas lalo bumabagal ang bawat segundo. Nag-aantay ng uwian na. nakapagpasa na rin ako ng resignation letter sa hr namin at muhka namang maaapprove ng HR department at ng aming bossing. Lumapit sa akin ang kaofficemate ko, at tinanong ako kung sino kadate ko ngayon valentine's day. Hindi ko binanggit kung sino pero sinabi ko di kayo maniniwala pero secret, malalaman nyo na lang.


nang pumatak ang 5:00pm, dali-dali akong umalis sa opisina at dumaan sa Dangwa (bilihan ng bulaklak sa manila) at naghanap ng rosas na asul at pink, dahil alam kong paborito mo ang ganun. dumaan na din pala ako kaninang lunch break sa blue magic para bilihan ka ng stuff toy na pusa dahil nacucute-tan ka sa pusa. Kumuha narin ako ng mga scented candles na amoy lavander dahil narerelax ka sa amoy na lavander. Naeexcite na ako umuwi para makapiling ka ngayong valentines day.

Nakakailang nga lang bumili ngayon dahil tinitignan ako ng tindera ng bulaklak dahil may pasa ako sa bandang kilay dahil sa iyo, pero okay lang dahil mahal na mahal kita. Nang maiabot ng ale sa akin ang sukli, pumara ako ng taxi para mas mabilis at di malanta ang mga bulaklak.


Kada kilometro papalapit sa bahay, ako ay kinikilig at kinakabahan. Hindi ko alam pero naririnig ko ang matamis mong pangalan na tinitibok ng aking puso. o sadyang naririnig ko lang ang pangalan mo sa radio? Ah basta hindi na ako makapag-antay.


Pagbaba ko ng taxi, kinuha ko ang aking mga dalahin at inabutan si manong driver ng isang libo at hindi ko na kinuha ang sukli sa kanya. Nagmamadali ako at ako ay naligo, nag-ayos, nag prepare ng lamesa natin sa lumang kwarto sa ilalim ng aming bahay. nagsaboy ako ng petals ng rosas at nag sindi ng kandila pa gumanda ang ambiance ng kwarto. Kailangan maging perpekto ang lahat dahil matagal ko na itong pinaghahandaan at inaantay.


Pinuntahan kita sa kwarto, alam kong gutom ka na at batong bato ka na, pasensya na kung walang cable dito sa bahay at nakikita mo lang sa tv ay pangalan mo. sinuklayan ko ang kanyang mahabang buhok na amoy cinnamon at pinunasan ang eyeliner mo sa mapupungay mong mata. Dahil tuloy malikot ka nagulo tuloy ang lipstick sa perpektong labi mo na matagal na matagal ko nang inaasam halikan.

Dahil nahihirapan kang maglakad, ika'y binuhat ko papunta sa basement. inuupo kita sa harap ng lamesa kung saan natin pag-uusapan ang mga bagay na gusto ko ikwento at sabihin sayo ang aking nararamdaman nung una palang kita makita sa TV, paano ako patay na patay sa'yo, sinusundan ka lagi at pinapangarap mangyari tong moment na'to.

Ngunit, muhkang hindi mo nagustuhan ang aking inhanda, ako'y iyong dinuraan at sinipa na ikinatumba ko at dahilan kaya't lahat natapon ang nasa lamesa. ang silab ng kandila ay dahan dahan gumapang sa tela na ginawa kong tablecloth na tanging alaala ko sa aking ina. Ako ay iyong minura at sinabihan mo nang masama, sabi mo pa nga wala akong kwenta, isa akong demonyo, at ang dapat sa akin ay mamatay. Nandilim ang aking paningin, hindi ko alam ang nangyari, nang lumiwanag, ako ay nasa iyong harapan, ikaw ay sumusuka ng dugo at nang ako'y lumayo... kamay ko ay duguan ay may kutsilyong nakabaon sa iyo sikmura. hindi lang sa sikmura, may sugat ka din sa iyong dibdib at tagiliran.

Bago malagot ang iyong hininga, iyong sinambit sa akin ang katagang: "Mamatay kang demonyo ka, hayop ka! HAYOP!". Ako ay humihingi ng kapatawaran sa harap mo nun pero hindi mo na ako pinapansin, ang luha ko ay umaagos sa akin mata.

Binunot ko dahan-dahan ang kutsilyo sa iyong sikmura at tinitignan ang talim ng kutsilyo. Dinilaan ko ang dugo mo sa kutsilyo para matikman ang lasa ng dugo mo. SIGURO GINAWA MO TO DAHIL GUSTO MO LUMAYO SA AKIN NO? HAHAHAHA! PWES KAHIT SAAN KA MAGPUNTA SUSUNOD AKO SAYO! agad kong binaon sa aking tyan ang patalim at hinugot ulit at isinaksak ulit ngunit muhkang hindi epektibo kaya dahan dahan kong hiniwaan ang aking leeg abot lalamunan habang ako ay tumatawa at isinigaw ko na " SUSUNDAN KITA KAHIT SAAN KA MAGPUNTA". Nagmamahal, Ang Number one fan mo.





Hahahahaha! Hi guys, I just made this short story, XD I'm sorry kung ganito ka creepy utak but this story is completely fiction except dun sa sinaksak and so don't worry, Im not a psychopath. Medyo lang. So I just want to share this to you.

If you want to share this story, just give credits to my work or else ikaw isusunod ko. hihihihi

Have a Good Day guys~! thank you for reading~!



Copyright © Dexter Ellis Mirasol


No comments:

Post a Comment